LIFE LESSONS

Paano mo malalaman kung handa ka nang magmahal?

Habang tumatanda, nag-iiba na ang pananaw ng tao tungkol sa pag-ibig. Hindi na lang ito basta crush lang or admiration.

When adults speak of love, they already speak of a lifetime partner. In my circle of friends, this is how they see love. Iba na talaga kapag #adulting.

Sa ika-59 na araw na Quarantine sa Pilipinas, hindi ko rin alam kung bakit may dalawang kaibigan ang nagtanong sa akin nito. Sa akin pa po talaga tinanong samantalang malapit na ata akong mawalan ng emosyon. Haha!

Pero paano mo ba masasabi kung handa ka na (ulit) magmahal?

Handa ka nang magmahal kung…

1. Handa ka nang masaktan.

I guess, we all know that love and pain is a package, na kapag nagmahal ka, asahan mo na may sakit talaga sa simula, sa gitna, lalong-lalo na sa dulo. Handa ka bang sumugal? Handa ka bang mag-risk sa panibagong tao? Handa ka bang masaktan ulit?

2. Handa ka nang magkwento ng sariling bagahe

Sa  pag-ibig, lahat may kanya-kanya tayong dalang bagahe. Ito ‘yung mga alaala at karanasan na nakuha mo sa dating ispesyal na tao sa buhay mo. Alam mong handa ka nang magmahal kapag ‘yung mga bagahe na nakuha mo noon ay kaya mong i-open sa bagong taong makakasama mo. Hindi ka na magdadalawang-isip mag-open up kung handa ka nang magmahal.

3. Handa ka nang magpatawad.

Napatawad mo na ba ang iyong sarili? Napatawad mo na ba ang mga taong nakagawa ng kasalanan sa iyo noon? Kung oo, bukod sa handa ka nang magmahal, handa ka na nga talagang mahalin pa ang iyong sarili. Magkakaroon ka rin ng kapayapaan dahil alam mong sa pagpapatawad natatapos ang lahat ng sakit.

4. Handa ka nang kumilala ng iba.

Ito ‘yung estado ng buhay na sobrang nakilala mo na ang sarili mo. Alam mo na kung sino ka, naabot mo na totally ang ilan sa mga pangarap mo, nasa estado ka ng buhay na handa ka nang maging bukas sa pagkilala naman ng ibang tao.

5. Handa ka na sa kung ano man ang susunod na mangyayari.

Maaaring nasaktan ka nang paulit-ulit ng iba’t ibang tao sa pare-parehong dahilan. Pero alam mo ba, malalaman mo kung handa ka nang magmahal ulit kapag ipinaubaya mo na sa Diyos ‘yung mga susunod pang mangyayari. Let God work. Allow Him to guide you.

Sa ilang taon kong paglalakad sa mundo, nasa punto na rin ako ng pagsuko sa ganito. Malapit na akong mag-trenta. Pinaprangka na ako ng magulang ko na mag-asawa na. Pero naniniwala pa rin ako sa oras ng Diyos. Darating ang panahon na makikilala (o baka nakilala ko na? ‘di lang kami aware?) ko na ‘yung ni-reserve na tao ni Lord para sa akin.

‘Wag sukuan ang pag-ibig, mga kapatid. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s