LIFE LESSONS

Paano mo malalaman kung nakapagpatawad ka na?

Naniniwala ka rin ba na ang pag-ibig ay may kalakip rin na sakit? Ako, oo.

Nang matapos ang six year relationship, akala ko talaga pain at sadness na lang talaga ang kaya kong maramdaman. Nasa point ako ng December 2018 na habang nagsasaya ang ibang tao, ako nakatulala lang sa ceiling ng kwarto ko tuwing umaga.

Grabe ‘yung sakit na naramdaman ko after breakup. Ilang beses ko ring tinanong sa sarili ko kung ganoon ba talaga ako ka-hopeless, useless, at worthless. Sobrang sakit. Halos isumpa ko na si pusit dahil sa lahat ng sakit na dulot niya. Huhu. Inisip ko nga sana bumagsak ‘yung eroplanong sinasakyan niya. Haha. Bad.

Pero, habang tumatakbo ang mga araw-araw, alam ko sa sarili ko na kailangan ko na ring magpatawad. Forgiveness. Pagpapatawad. Sabi nga ni Jesus, forgive seven times seven times seven.

Paano mo malalaman kung nakapagpatawad ka na?

1. Kapag inisip mo ang taong ‘yon, hindi ka na makakaramdam ng galit. 

Dati, kapag naririnig mo ‘yung pangalan niya, halos isumpa mo na. Dati, naisip ko na lang na isama ‘yung pangalan niya sa listahan ng mass for the souls sa simbahan. Hindi ko alam. Kung saan-saan na lang ako dinadala ng galit ko noon. Pero, alam mong nakapagpatawad ka na kapag sa tuwing iniisip mo pa siya, hindi ka na galit.

2. Kapag nakita mo ang taong ‘yon, alam mong normal na lang na tao siya. Wala ng ibang feelings. Stoic ka na lang. 

Nangyari ‘to sa akin. Ilang buwan after breakup. Nakita ko si pusit. There comes thousands of heartbeat again, friends! Galit na galit pa pala ako noon. Birthmonth ko pa naman. Ngayon, ‘di ko na siya nakita ulit. Buti na lang. Pero I guess, kahit makita ko pa siya, stoic na lang ako. Wala lang. 🙂

3. Kapag pinag-usapan ang taong ‘yon, pinagtatawanan mo na lang lahat ng nangyari noon. 

Kapag mapag-usapan siya sa newsfeed, matatawa ka na lang sa mga naisip mong revenge thoughts dati. Alam mong nakapagpatawad ka na kung hinayaan mo na lang ‘yung mga kaibigan mong i-bash siya. Makaka-bash ka, pero bash with class. Wala na lang talaga sa’yo. Matatawa ka na lang.

4. Kapag nakakatulog ka na sa gabi na hindi mo na iniisip lahat ng ginawa niyang masakit sa iyo. 

Kapag nakakatulog ka na sa gabi na hindi mo na naiisip ‘yung lahat ng ginawa niyang masakit sa iyo. Kasinungalingan, cheating, at iba pa. Nakapagpatawad ka na kung hindi ka na nagdu-dwell doon.

5. Kapag nasabi o naipaalam mo na sa kanya na pinapatawad mo na siya. 

Ito ‘yung pinakamahirap sa lahat. Malalaman mo lang na nakapagpatawad ka na kung masasabi o maipapaalam mo ito sa kanya. Huy, grabe. Akala ko hindi ko ito magagawa. After ilang months, kaya naman palang gawin. With sincerity. Kailangan lang talaga ng grace ng Holy Spirit. Kailangan lang ng sincerity. Kakayanin kung gugustuhin.

There you have it, mga kaibigan. Alam mong nakapagpatawad ka na kung nagawa mo na ito. Kung hindi pa, ayos lang. Give yourself a time. Baka kailangan mo ring patawarin muna ‘yung sarili mo, bago mo totally patawarin ang iba.

Patawarin mo muna ang sarili mo dahil sa mga bagay na hindi mo nagawa, mga desisyong hindi naging matagumpay, at pagiging marupok, sometimes.

Kapag nagpatawad ka, mas mapapalaya mo na ang iyong sarili.

Don’t let your pain overcome you. Forgive, let God, and let go.

Then, ‘wag na papaloko ulit. 🙂

1 thought on “Paano mo malalaman kung nakapagpatawad ka na?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s