LIFE LESSONS

On not having a jowa at 20sh something

Babala. Medyo personal ang post.

9:00PM, payapa akong naglalaro ng online games dahil may quests akong ‘di matapos-tapos. Nasa kalagitnaan rin ako ng scrolling sa Instagram dahil naghahanap ako ng halaman para sa kwarto. Habang ginagawa ko lahat ng iyon sa isang malamig na gabi (salamat sa aircon at Meralco na naibalik ang kuryente at 6:00PM), bigla akong kinausap ni Lola.

“Ilang taon ka na. Wala ka pa ring boyfriend. Kaya mo bang mabuhay nang mag-isa? Mahirap mabuhay mag-isa.”

Syempre, super concerned lang talaga si lola kaya niya nasabi ‘yon. Two years na akong super independent sa buhay (in some ways), at siguro, nararamdaman niyang kailangan ko na nga ata talaga ng makakasama sa buhay.

Kaya nga, dahil sa conversation na ‘yon, naisip ko lang ‘to:

  1. I do not need to rush. Kalma lang. Not having a jowa at this age is not a need. In this time of pandemic, mas marami pang pwedeng i-prioritize. Prioritize genuine friendships, relationship with family, and self-development.
  2. Not having a jowa does not make me a less person. Ewan ko ba. Uso pa rin ata ‘yung thinking na kahit anong ganap mo sa buhay, kapag wala kang jowa, laging kulang. Hahehehe.
  3. I am at peace at this age. I am blessed and contented. I never felt alone because I have so many meaningful relationships with my family and friends. While I am at this age, I am busy dreaming and fulfilling those dreams one step at a time.

‘Yung edad ko atang ito ‘yung edad na kung saan halos lahat ng ka-batch ko may achievements sa buhay. May kanya-kanya silang milestones. Nakakailang anak na. Nakakailang work na. Nakakailang bansa na napuntahan. Super happy ako for them, genuinely.

Kung gaano ako kasaya para sa kanila, ganoon rin naman ako kasaya sa kung nasaan ako ngayon.

Lahat ng tao, may kanya-kanyang oras sa buhay. Kalma lang. 🙂

5 thoughts on “On not having a jowa at 20sh something”

  1. Darating din si “the one” mo ate Kim. Siguro na traffic lang po. Hehehe. Siguro po kaya wala pang jowa e mas binibigyan kapa po ng time para sa sarili mo ate 💗

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s