I recently joined the 8th Amelia Lapena-Bonifacio Writers Workshop organized by UP Likhaan Institute of Creative Writing. Full post here. Gusto ko lang i-share sa post na ito ang mga mahahalagang takeaways ko mula sa workshop na mahalaga sa pagsusulat ng kuwentong pambata.
Ang ipinasa ko pala sa workshop na ito ay pinamagatang “Ang Bungisngis na Naipit sa Jeep” at “Ang Kaibigan Kong Bakunawa” na parehong may bidang batang babae. Saka ko na lang i-reveal ‘yung plot kapag na-revise ko na at nabalikan ko na uli.

Napili ko ang Bakunawa at Bungisngis dahil medyo pamilyar na ako sa dalawang ito gawa na rin ng bahagi sila ng MA thesis ko. Sa workshop namin, nagbahagi ang mga panelists at co-fellows ko ng suhestyon kung paano pang mas mapapaganda ang dalawa kong maikling kuwento.
Nabanggit ng discussant ko na medyo corny talaga yung jokes ko. Aminado talaga ako dito. Pero oportunidad ito para mas mahasa pa ang part na ito ng pagsusulat ko. Bukod rito, marami pa akong takeaways mula sa mga panelists namin. Narito ang ilan.
Mula kay Sir Cheeno. Kailangan, kapag sumuway ang character, may malalim na motivation.
- Dapat may ma-contribute yung bata.
- Dapat may nagbago sa character.
- Dapat may journey din yung mythical character.
Mula kay Sir Eugene: Natuwa siya na inilarawan ko ang amoy. Kaya, dapat ko rin daw ilarawan pa ang tunog. Pagyamanin pa ang environmental na tunguhin. I-improve ko rin daw ang jokes.
Mula kay Ma’am Luna: Sabi niya. Para raw siyang nagbabasa ng Chronicles of Narnia. Pak. At, sinabi niya ring gusto niya ang pagka-fearless ng mga bidang babae. Quotable quotes rin mula sa kanya na:

Ma’am Carla Pacis, Sir Joey Baquiran. Larawan kuha ni Angel Beran. Co-fellow.
Stories do not speak to the kids. They also speak to the inner child in us. – Ma’am Luna
Mula kay Ma’am Lalaine: Piliin ang age group ng mambabasa. Makatutulong ang knowing your audience pagdating sa pagsusulat. Lagyan pa ng twist. Bigyan rin ng magandang motivation ang character.
Mula kay Ma’am China: Huwag gawing token lang ang social issues. What do you want to stand for? Ingatan na huwag maging backdrop lang ang issues ng lupunan. Iangkop rin ang kuwento sa mambabasa.
Mula kay Ma’am Wena: Gaano kalaki kaya ang bata para hindi masugatan? Napansin niya ring matapang ang bata na pumunta sa mga mapanganib na lugar. Ano rin kaya ang kakayahan ng bata sa ganitong edad. Saan nilagay ang basura.
Mula kay Ma’am Carla. Winner daw. Pero pagtibayin ko pa raw ang environmental issues na tinalakay sa isa kong kuwento. Natawa rin si Ma’am sa joke pero feeling ko kailangan ko pang galingan sa side na ‘to.
Maraming makabuluhang sinabi si Sir Vlad tungkol sa kuwento. Tungkol sa: Usapin ng paglayo at paglapit ; Usapin ng pagbubura at paglalantad; Teknikal na Kahingian.
Ito na so far ang pinakamakabuluhang writing workshop na nadaluhan ko. Looking forward pang magbasa, magsulat, at matuto. 🙂